Milo 34th Edition – Isang Madugong Araw

Tags: ,

Warning:  This will be my first all-Tagalog blog post, my brain cells were not moving fast enough to translate Tagalog thoughts to English. In short, tinamad ako.

Sa mga panahong ito alam nyo na siguro ang mga nangyari sa 34th edition ng Milo. Marami kayong nabasa tungkol sa tagumpay, mga bagong PR na napagwagian, mga birhen na dina birhen, sa larangan ng marathon ang ibig ko sabihin. Ang nakakalungkot, may mga nandaya at may namatay. Pero sa mga nakakita sa akin nung Milo, marami din nagtatanong sa akin “hoy Sam, ano nangyari syo, bigla kang nawala na parang…NINJA!”

Ano Ang Nangyari
Well ayos na sana ang lahat eh. Ang ganda ng pace ko hanggang 8th km, chillax pace nga mga pare koy. Nsa 5:55-6:05min/km ang average pace. Ka pace ko sila Noelle at Prince pero nauuna ako ng konti. Kse ang evil plan ko eh sige sabay lang ako sa kanila, pero pag dating ng last 5 kilometer, babanat ako ng malupit na parang yun na ang huling takbo ng buhay ko. Alas, ako ang nabanatan..ng malupit! Pag dating ng 8th kilometer, malapit sa Uniwide, biglang kumirot yung sa banding kidney ko at ilang parte ng tsan ko. Alam nyo mga pare, bago pa man akong tumakbo, may sakit nko sa kidney. Masakit, ang magkasakit sa kidney. Parang may kumukurot sa kalamlam mo. Ganun nararamdaman ko, kaya bumagal ako. Hanggang ang mga kasabay ko sa pace ay unti-unting napag-iiwanan ako. Mula 8th kilometer jog at lakad na lang ako dahil sobrang sakit talaga, ang plano ko ay maghanap ng marshall o pumara sa ambulance dahil….nung umihi ako may lumabas na dugo. Nasusuka na rin ako along the way at may kasama ding dugo. Kinabahan ako, dahil pag may dugo, masama daw ang lagay. So sa mga nagtanong sken nung araw na yon, at ang lagi kong sagot ay “Pare, dinugo ako” yan ang dahilan..at hindi dahil dalaga nko.

Wala akong nakitang marshall na pwede mapagtanungan ngunit pag lagpas ng takbo.ph support station, may nakita akong matabang marshall at sinabi ko na mag DNF ako at pilit kong binibigay sa kanya yung race bib ko.Ang sabi nya lang  “Ay wag sa akin, ayun si Rudy Distrito, bigay mo sa kanya race bib mo”. Pinaghalong tawa at awa ang naramdaman ko, una ano ginagawang ng dating professional basketball player na si Rudy Distrito sa takbuhan, at awa dahil sa kanya ko ibibigay race bib ko…shy type ako eh. Yun pala ang ibig sabihin nya ay Rudy Biscocho, ayun lumapit ako kay Mr.Rudy at sinabi ko na di ko na tatapusin ang takbuhan, at out of the blue, hiningi na ni matabang marshall yung race bib ko. So ayun, kumaliwa nko at naglakad patungo sa parking lot.

Ang Paglalakad
Habang naglalakad patungo sa parking lot, sa kaliwa ko may mga nakatambay facing Manila Bay. May mga pamilya, may mga joggers, mga nagkwekwentuhan..ang saya. Nagmuni muni at nag senti-mode ako nung mga oras nayun, umupo muna ako sa isang bench habang pinagmamasdan ang aking paligid. Nung mga oras nayun, may mga boat rowers at nakakatuwang pagmasdan ang sabay sabay nilang pag-paddle habang may nagbibilang upang mag-guide sa pace nila. Nakakatuwang pagmasda din ang mga pamilya na sama samang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Sa kabilang bench naman ay magsing-irog na naka PDA (public-display of affection) mode. Nagulat ako dahil malapit lang sa aking kinauupuan, may mga nagbebenta pala ng mga isda mula sa kalakal ng mga mangingisda sa tabing dagat. Sa aking kinauupuan, nag-isip isip ako ano nangyari sa akin. Nag-isip din ako kung san patutungo ang kasalukuyan kong condition. Kse sa totoo lang, feeling ko nsa mid-life crisis ako. 30 yrs ako pero feeling ko tumatanda ako na konti plang nagagawa ko. O siguro dala na din nang DNF yun at feeling drama ever ako that day. Hindi nakatulong nang may magpatugtog ng isang kanta sa tabi ko ng kanta ni Carole King na may ganitong linya:

When you’re down and troubled
and you need a helping hand
and nothing, oh nothing is going right,

Feeling ko nababasa nya nsa isip ko at trip nyang asarin ako, pero nirespeto ko ang music nya. Ika nga nila, walang basagan ng trip. Tinuloy ko na ang aking paglalakad at nasalubong ko mga ibang runners ng ibang distance. 10km at 5km yata mga iyon. Nasa sidewalk ako naglalakad pero marami din tumatakbo sa area nayun dahil puno na yung main-road ng mga runners. Sobrang dami nila. Nasalubong ko nga si Gerard Anderson na tumakbo ng 5km, ewan ko ba at bakit feeling close ako bigla akong napataas ng kamay at sumigaw “Go Gerard”. Nakakatuwang pagmasdan ang crowd ng mga oras nayun, puro bata, siguro mga estudyante mga ito. Sabay sabay silang tumatakbo habang nagtatawanan. May isa sumigaw pa “hoy holdaper, balik mo bag ko” habang lahat  sila nagtatawanan. Ako din natatawa kse parang dapat ganun ang takbuhan. Napansin ko kse sa mga races, puro seryoso mga tao, puro PR ang hanap, parang nawala yung collective happiness, puro pan-sarili lang. Wala nman masama dun kung feeling mo mag-sarili pag tumatakbo ka, pero nakakamiss din yung tumatakbo ka kasama mga kaibigan mo, at nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Yun ang namiss ko, siguro babalik ako sa mga shorter distance para maramdaman ko uli iyon.

Ang Paghihintay
After 45minutes ng paglalakad, naabutan ko din ang kotse ko at dun na din ako nagbihis kse semi-tinted din naman yung car ko. Dumeretso ako sa area mga 100 meters away from the finish line kse gusto ko abangan sino ang mauuna matapos sa 42km. Medyo mga 20 minutes akong naghintay at nakita ko na nman si Gerard Anderson at sigaw naman ako “Go Gerald!”, again basic instinct yan, di tlaga ako fan ni Gerard. Sabay respond nman sya ng “yeah!”. Gerald Anderson, pare kung nababasa mo to, gusto ko makasabay kita sa 10km run sa RunFest ng Takbo.ph, or sa Run To Read race ni pareng Eric Pasion. Yayain mo na din si Kim Chiu para enjoy! Sabay tayo ah (kahit dina holding hands!) Unang nakatapos sa 42km ay isang Kenyan, sumunod ang isa pang Kenyan at saka lamang pumasok ang Pinoy. Nageexpect ako si pareng Cris Sabal ang babanat ng 42km yun pla napagsabihan ako na nagpace lang daw sila.

Pagkatapos nun, di ko na hinintay ang mga kaibigan ko, dumeretso nko sa kotse ko at umuwi na. Mahirap umuwi dahil sarado lahat ng road. Mga 500 meters akong nagdrive on same road kung nsan tumatakbo mga runner kse yun lang ang available na road. Obcourse, ginawa ko to na may pahintulot ng mamang pulis. Na-meet ko din si Rudy B. na ng mga oras na yun ay mukhang worried, but still, pinasalamatan ko sya dahil mukhang maganda nman ang nangyari at daming nag-enjoy.

Ang mga sumusunod na pangyayari ay wala na kinalaman sa takbuhan, ngunit dinagdag ko pa rin kse ito ay nangyari on same day kung kelan ginanap ang Milo, at parehong “madugo” ang pangyayaring ito. So kung bored ka, at trip mo pa din magbasa ng boring na blog post na to, read on!

Pangamba at Kamatayan
Habang nagdrive ako, may natanggap ako ng text mula sa aking itay (kinarir ko na ang pag Tagalog ah!). Eto text na hanggang ngayon nakasave pa sa cellphone ko “Sam punta ka emergency room, andito kami ng nanay mo”. Nag-alala ako ng malupit, ang alam ko lang is diabetic nanay ko at ang tatay ko may problema sa puso. Hindi ko maisip na tatay ko ang may problema dahil nagawa nya pa mag-text so alam ko na nanay ko ang nsa emergency room. Dretso ako sa E.R ng De La Salle Medical Center and there nakita ko nanay ko, hinang hina. Nag-alala lang sya dahil pakiramdam nya daw sobrang hina nya, hinala ko her blood sugar went abnormally low. So ayun, habang naguusap kmi ng nanay ko, may dumating na isang pasyente na nakahiga na sa stretcher. Duguan sya at nasabi sken ng guwardiya binaril daw sa likod.

Nilagay sya malapit lang sa puwesto nmen na kung saan isa lamang kurtina nagseseparate sa amin. Nag-iiyakan ang mga kamag-anak habang ang doctor or attending medical personnel were doing CPR. Tatlo o mahigit pa yata nila ginawa yun ngunit dina din kinaya ng pasyente. Malupit na iyakan ang nangyari sa tabi namin samantalang unti unti nkong nanghihina dahil sa dami ng dugo sa floor na nakikita ko. Sa totoo lang, nakikita ko lang ang mga ganitong eksena sa isang palabas sa E.R series pero first time ko lang nakakita ng ganun kaya pinaghalong takot, kaba at paghanga sa mga doctor na nagasikaso ang naramdaman ko.

Unti unting nagdatingan ang mga malalapit sa puso ng pasyente simula sa asawa. Alam nyo akala ko di totoo yung mga linyang “mahal, bat mo kmi iniwan” pero yun ang unang linyang narinig ko sa naiwan nya. Sumunod na dumating ang mga anak, dalawang dalagita na nagfrefreak out at napansin ko may isa pa syang anak na lalaki na ayaw pumasok ngunit nagstay lang sa labas at duon iyak ng iyak. Hindi ko nakita ano mga nangyayari pero naririnig ko ang mga usapan. Ngunit ang nakakalungkot eh nang dumating na ang nanay. Ang hirap yata para sa isang inay na makita mong “mauna” pa sa iyo ang sariling mong anak. Minsan kung isa kang magulang,nanaisin mo pang sana ikaw na lang kaysa sa anak mo ang “mauna” kung bibigyan ka ng pagkakataon. Mahina magsalita yung nanay pero rinig ko at nakakaiyak ang mga sinabi nya. Lumabas nko ng emergency room kse dyahe at baka makita ako ng magulang ko na naluluha nko. I tried to compose myself outside for few minutes and went back. Ayun, naluluha din pala mga magulang ko.

Sabi na lang ng tatay ko “Ganyan tlaga ang takbo ng buhay, minsan maganda minsan hindi, pero mahusay na kung lagi kang prepared sa lahat ng bagay”. Ang unang pumasok sa isip ko eh si Kuya Kim…ang buhay ay weather weather lang! (pana-panahon)

Kaligtasan
Hinatid ko pauwi ang magulang ko sa bahay nila at pagkatapos, umuwi na din ako para magpahinga. It was Sunday and being a good boy (hehehehe) I attended the service at our church. Being first Sunday of the month, merong Holy Communion. The pastor was explaining the significance of the bread and wine which Jesus offered to his disciples (although in the church, they use grape juice coz it’s cheaper). So as I was meditating what happened that day, the pastor reminded us that the bread symbolizes Christ body and the wine as the “blood” of Christ. I partake in communion, after which I was reminded that life is too short, that I need to take it easy and there are more things more important in life.

So there you go, medyo madugo ang buong araw na iyon.

Bookmark and Share

Related posts:

  1. Milo

Tags: ,

9 Responses to “Milo 34th Edition – Isang Madugong Araw”


  1. Roelle
    on Jul 16th, 2010
    @ 10:51 am

    Huwaw! Nabasa ko buong post! Hehe, ayos pre! Madugo mula simula hanggang huli. Pero natawa ako sa “moment” nyo ni Gerald Anderson. At naka-tag pa sya sa post mo ha?! hehehe….


  2. Noelle De Guzman
    on Jul 16th, 2010
    @ 3:09 pm

    “So sa mga nagtanong sken nung araw na yon, at ang lagi kong sagot ay ‘Pare, dinugo ako’ yan ang dahilan..at hindi dahil dalaga nko.”

    PANALO! LAUGH TRIP ‘tong post na ‘to. :) Sana nga maki-Runfest sila Gerald at Kim — kaya lang break na sila e!


  3. RUNNING DIVA
    on Jul 16th, 2010
    @ 4:14 pm

    What a day for you back then. Great story. Hope your Mom is fine.

    As I was reading, couldn’t help but noticed one, why you were not aided when you told the marshal that you had to DNF for not feeling well, and two, there was no mention of you seeking a doctor’s advice re: your kidney or presence of blood in your urine. Please do so. You owe that to your body. Have a check-up, please. Our kidney is another major organ for our body to function well.

    Take it easy Ninja.


  4. jasondelarama
    on Jul 16th, 2010
    @ 4:31 pm

    ang ganda ng post mo na ito kaya ako nagreply, dami kong napulot na aral, 30yrs. old na din ako kaya nakakarelate ako sa mga pinagdadaanan mo.. ano sanhi ng pagsuka mo ng dugo at pagihi ng dugo.. pano nagkaganon?


  5. wilson
    on Jul 16th, 2010
    @ 9:02 pm

    Now we know anong nangyari sayo! Hinahanap ka kaya namin. What a weird and terrible day indeed


  6. running fish
    on Jul 17th, 2010
    @ 8:07 am

    nice one sam!!

    kaso parang bitin, what happen to you after ka umihi ng dugo? or ng may dugo?
    have you consulted a doctor?

    anyways, always run safe dude!!!


  7. Amado L. Castro, Jr.
    on Jul 19th, 2010
    @ 2:56 am

    I have experience passing blood in my running three times during the years of my running and all were diagnosed to be UTI which were aggravated because of running. You need to take plenty of water intake within the day everyday. Antibiotic medicine full cycle is a must (consult your doctor for the right type, brand and dosage). Also during treatment, relax on your running distances or better yet just temporarily stop until you wont find difficulty in passing urine. Run safe Sam.


  8. argonaut
    on Jul 24th, 2010
    @ 6:12 am

    Hey Sam, I’m glad you’re doing good na…
    Nice post, btw, naalala ko tuloy yung tatay ko…


  9. Takbo.ph RunFest « TheRunningNinja.com - My Running Adventures, Thoughts and Rumblings, Reviews, Running Shoes, Running Gadgets
    on Jul 25th, 2010
    @ 9:06 am

    [...] 6am. My plan for this race was not to gun for PR/PB but to test my body. If you’ve read my previous blogpost, I did suffer from internal bleeding. So I took this race to “test the water” and see [...]

Leave a Reply

Spam Protection by WP-SpamFree

© 2009 TheRunningNinja.com – My Running Adventures, Thoughts and Rumblings. All Rights Reserved.

This blog is powered by the Wordpress platform and beach rentals.