Warning: This will be my first all-Tagalog blog post, my brain cells were not moving fast enough to translate Tagalog thoughts to English. In short, tinamad ako.
Sa mga panahong ito alam nyo na siguro ang mga nangyari sa 34th edition ng Milo. Marami kayong nabasa tungkol sa tagumpay, mga bagong PR na napagwagian, mga birhen na dina birhen, sa larangan ng marathon ang ibig ko sabihin. Ang nakakalungkot, may mga nandaya at may namatay. Pero sa mga nakakita sa akin nung Milo, marami din nagtatanong sa akin “hoy Sam, ano nangyari syo, bigla kang nawala na parang…NINJA!”
Ano Ang Nangyari
Well ayos na sana ang lahat eh. Ang ganda ng pace ko hanggang 8th km, chillax pace nga mga pare koy. Nsa 5:55-6:05min/km ang average pace. Ka pace ko sila Noelle at Prince pero nauuna ako ng konti. Kse ang evil plan ko eh sige sabay lang ako sa kanila, pero pag dating ng last 5 kilometer, babanat ako ng malupit na parang yun na ang huling takbo ng buhay ko. Alas, ako ang nabanatan..ng malupit! Pag dating ng 8th kilometer, malapit sa Uniwide, biglang kumirot yung sa banding kidney ko at ilang parte ng tsan ko. Alam nyo mga pare, bago pa man akong tumakbo, may sakit nko sa kidney. Masakit, ang magkasakit sa kidney. Read the rest of this entry »





















